Wala na namang mapaglagyan ang inis ko sa buong sanlibutan. Yes, buong sanlibutan at idadamay ko ang lahat ng gusto kong idamay dahil medyo umaalingasaw nga sa baho ang ugali ko hindi ba?

Ayaw ko ng pinipilit akong lumabas para kumain, tumambay, manood ng sine o miski samahan ka sa anumang lakad na alam ko namang kaya mo nang mag-isa. At itong “kaibigan” ko ay sobrang galing tumayming at idadaan ako sa drama na nagbago na raw ako porque nagkatrabaho, umasenso sa buhay (charot) at gumanda dahil alam ko sa sarili kong matagal na akong ganito, na hindi pala-labas. Kaya kung may balak kang magbasa ng talambuhay ko ay sa umpisa pa lang mababagot ka na. Matagal na akong maraming pera na pwede kong ipansampal sa mga mapang-mata. At iyong gumanda? Alam naman nating nangyari iyan matagal na. Kung may balak kumontra ay utang na loob huwag mo nang gawin. Mortal sin ang sabihan ako ng pangit.

May isa pang walang hiya na tinawag akong suplada dahil lang sa hindi ko siya narinig nang makasalubong ko raw siya sa daan. Ni ngiti raw ay wala. Hay jusko po. Lilingon naman ako kapag gusto kita o gusto kitang makausap. Kaso ayaw ko sa iyo at hindi kita gustong makita o makausap kaya utang na loob ulit. Tantanan mo ako sa kadramahan mong iyan dahil susuungin ko talaga ang dagat, aakyat ng Bundok Pinatubo maiwasan ka lang na hayop ka.

At may isa pang tao na nagpakulo lalo ng dugo kong matagal nang kumukulo. Hindi ko maintindihan kung bakit naatim kong manahimik dahil nabubungo niya na ang ~*boobs*~ kong ga-munggo at lahat ay hindi pa rin humihingi ng pasensya. Nginingitian lang kita kapag hinawakan mo ako sa leeg, braso o bewang pero gusto na kitang bayagan. Wala akong ibang taong binigyan ng permiso na hawakan ang katawan ko kundi ang nobyo kong sutil. Kaya para sa iyo, Sir. Putang ina ka. Putang ina ka, Sir. Tandaan mo iyan.

Ayaw ko ng maingay. Iyong ingay na masarap salpakan ng titi sa bunganga. Ayaw kong inaapakan ang sapatos ko. Jusko. Ng matanong. Ng maharot. Ng mga taong tulad ko. Kung pwede lang akong manghabol ng sundang, sila ang uunahin ko. Ipinanganak yata ako para um-attitude at mag-inarte nang (o ng?) husto. Hindi ito PMS at hindi uso ang salitang kalma.

before and after work

it’s two in the morning reckless driving is an easy way to die i can smell pasta sauce cream cheese and ube jam i heard a knock on the wood someone shouted and a dog barked twice feelings are bottled up my right arm is cold the other arm is shaking i can feel my heart being torn into pieces when he said he’s happy with her and i’m fffucking jealous yes three f’s for emphasis i still hear a lot of things even if i sleep on my side my boss is a hypocrite i haven’t cried for the longest time i’m hungry but i just want to drink water i made coffee a while ago but it’s bland when will i ever be good at something my back hurts my hair is still wet that’s why i don’t like taking a bath at night but do i have a choice none i heard a knock again but it’s on my door this time i’m sleepy i want him to touch me on my hips yes and arms and neck i want him to touch my whole body my baby lights up my world like nobody else he’s a freaking light bulb and i just threw the lamest joke ever you can kill me now no wait i don’t want to die yet my head is spinning wait is that wind chimes we don’t have wind chimes here where the hell did that come from you might think i’m crazy yeah i’m crazy for him but not crazy like crazy my colleague hugged me from behind this afternoon and i liked it the last hug i got was from bernardine and i miss her and it hurts let me tell you all that i’m fffucking jealous and i’m fffucking jealous like a jalousie what i want to cry but i can’t because big flat-chested girls don’t cry i’m melting and this is a bad thing i’m melting from my forehead down to my feet all that’s left is my hair it’s so stiff and it’s partying like a rock star while i’m asleep just like medusa’s little snakes it has it’s own life if we sleep together you’ll see i love brushing my teeth i brush it at least four times a day and that is what makes you beautiful do you know who run the world huh me

Things aren’t nice for the past few days. I feel so torn but somehow, I made my everyday clear just to make up my own mess. Still, all I’m facing is my endless collapse. I’m a soldier. Standing in front of my enemies, committing my own suicide and waiting for the bullets to rain down on me. I guess it’s time to say good night. I will sleep for a night of escape— drown my madness in my slumber.

I have a thing with walking alone in the middle of the night and wanting to die.

Roses are red.
Violets are blue.
Refrigerator.

Nawala lang ako ng ilang araw ay nadungisan lalo ang pangalan kong pilit na pinabango noon.

Ilang beses ko bang kailangang ipamukha sa inyo na lagpas pitumpu’t pitong beses ang baba ng tingin ko sa mga malalandi, mahaharot at kung ano pa man ang gusto ninyong itawag sa kanila? Ilang beses kong uulit-ulitin na bawal makihati sa lalaki kong kasing kati ng higad? Ilang beses kong ipapamukha sa inyo na hindi ako mali? O kung mali man, tama pa rin ako kahit maglupasay pa kayo sa inis. At ilang beses kong kailangan itatak sa noo, kisame at pader ninyo ang paalalang h’wag makikialam sa bagay na isang anggulo ng istorya lamang ang napapakinggan?

Dalawang bagay pa ang kailangang isaksak sa kokote ninyo. Una, hindi ako hihingi ng tawad sa isang bagay na kaya ko namang panindigan. Pangalawa, hindi nga ako marunong magpatawad sa mga taong hindi ko naman kailangan sa buhay ko, kayo pa kayang mga hindi ko naman kilala?

Paniguradong mahirap intindihin ng mga sinasabi ko dahil makitid pa sa makitid ang utak ninyong nasa kuko na nga, nagupit pa. H’wag lang talaga mangyari na malaman kong may kinanti kayo ni isa sa mga taong mahahalaga sa akin dahil putang ina, ako mismo ang magnanais na ihatid kayo sa impyerno bago pa man magunaw ang buong mundo. Fucking bastards.

Hi. The bitch is back.

Fuck you. Brought to you by my dirty mouth.

Naubos na naman ang peace of mind at pasensya ko na inimbak ko ng isang buong buwan. Puking ina.

Konsepto ng Pamamaalam

Hello. Ako si Danica. Maganda, medyo mabait at sexy.

Mahaba haba na ang napagsamahan namin ng Dahneetza Blog. Dito ko na naiire halos lahat ng tae ko sa buhay. Pwede na itong maging listahan ng galit ko sa buong mundo. Naikwento ko na mula sa lalaking akala ko ay buong mundo ko na hanggang sa lalaking walang balak manatili hanggang sa lalaking kasing kati ng higad.

Hubo’t hubad na rin ako pagdating sa sariling paguugali. Wala na akong itinatago. Mas marami na kayong alam kaysa sa mga taong nakakasalamuha ko araw araw. Pero bilang lang dito ang nakagaanan ko ng loob. Marahil sa paggamit ko rin ng mga salitang balbal at “bastos” sa mata ng iilan. Nais ko ay iyong walang preno at diretso sa punto para maski na dito man lamang ay mailabas ko lahat. Kahit hindi na sa totoong buhay.

Napaglipasan na ng panahon ang blog na ito. Napaglipasan na ako ng panahon dito. Said na said na ang mga pangyayaring gusto kong ibahagi at oras na siguro para magipon ulit. Paano yan? Hanggang dito na lang muna. Marami na akong pinagkakaabalahan sa labas ng mundong ito— mundo kung saan may ugnayan ang puso at mga salita.

Sapat na siguro ito para maging ala-ala sa kinabukasan, ano?

Kahit na anong laki ng inis ko sa mga taong nangangako na hindi daw aalis, maiiwan pa rin akong luhaan sa bandang huli. Walang nagagawa ang inis at reklamo kaya naman ay sinusubukan kong manatiling kalmado at hindi ko kayo mumurahin isa isa. Wala kayong maririnig na “Putang ina naman!” mula sa akin. Wala kayong maririnig na kahit na ano— ni hikbi o hinagpis ko. Wala. Kasi nangiwan na kayo, e.

Yung iba, nangiwan at hindi man lang nagawang magpaalam. Para bang ang laking effort ng pagsasabi ng “Hoy, buburahin na kita sa buhay ko ha?” lalo na at hindi naman sila ang masasaktan. Lahat sila umalis na wala akong kamalay-malay maliban lang sa isa, mangiiwan pero nagpapaalam pa.

And that makes her unique. Siya higit sa lahat ng taong nakilala ko ang may ibang takbo ng utak. Siya higit sa lahat, ang naiimpluwensyahan ko noon ng malaki. Hwag gawin ito, susubukan niya agad. Ganito gawin mo, susubukan niya agad. Lahat sinusubukan niya pero ngayon lang siya hindi nakikinig.

Ikaw. Gusto mo palang mamatay ha? Mamamatay kang masama ang loob ko sa’yo. At dahil wala namang iniingatang reputasyon ang blog na ito, babaliin ko na lang yung sinabi ko kanina na hindi ako magmumura kasi, putang ina, mas masakit pala kapag nagpaalam pa. Sarado ang utak ko sa lahat ng paliwanag na nakalatag sa harapan ko— sa mga paliwanag mo kung bakit ka magpapakamatay.

Ayaw kong napagiiwanan. Siguro parte rin iyong ng dahilan kung bakit kita pinipigilang umalis. Mga isang porsyento. Yung natitirang siyam na pu’t siyam ay dahil sa isa ka sa mga taong gusto kong makasama sa pagtanda. Alam kong may pagnanasa ka sa akin pero hindi kasal ang ibig kong sabihin. Matalino ka at kahit hindi ko na ipaliwanag ay alam kong arok ng kokote mo ang hindi maipinta ng mga salita.

Buhay ang katotohanang pinakamasarap takasan. Wala na siguro akong masasabing matino para manatili ka dahil nga putang ina, ang kitid ng utak mo. At kung kakitiran ang utak ang paguusapan, hindi ako pahuhuli dyan. Hindi kita maiintindihan kahit na ilang suicide note pa ang ipadala mo sa bahay ko araw araw. Hindi kita maiintindihan kahit na magpaalam ka sa pinakamalumanay na paraan. Hindi kita maiintindihan kahit na mamatay ka ngayon. Hindi kita maiintindihan at hindi ko gugustuhin intindihin kahit kailan. Hindi ko maintidihan, kapatid. Hindi ko kaya.

Alam mo natutuwa ako kapag kausap kita. Na medyo nakoconscious kahit papano. Napapatagalog kasi ako sayo. Tapos nakakaconscious ng kaunti kasi nga hangang-hanga ako sa galing mo sa Tagalog. Basta, Parang yakap na yakap mo na yung Tagalog tapos kontroladong kontrolado mo. Try mo kayang sumulat ng kagagahan na seryoso naman pala tapos ipasa mo sa mga publishing house. Baka makabog mo pa sina Ramon bautista o si Bob Ong o Eros Atalia. Basta. Feeling ko talaga stand out ka sa book shelves. Ang fresh ng writing voice mo.

Alam mo bang mas nagagalingan ko sayo kesa kay Bebang Sy. Para kang ang babaeng counterpart ni Ramon Bautista. Basta, natutuwa ako sayo. Nakakapaiyak pa nga minsan kasi ni hindi ko kaya yang kaya mo. Sa bagay, natural na sayo e, at hindi napagaaralan yun. Hiyang hiya na nga ako sayo sa totoo lang. Feeling ko nagpapakamediocre ka o nagpapakababa pero sa totoo lang jinujudge mo na kami.

-Karen Candelario 2012

Gusto kong magkwento ng kahit na ano kaso araw araw akong pagod sa trabaho. Nakakaumay pala talaga ang buhay?

Negatibo

Hindi ako lumaking pinaghihirapan ang mga bagay na gusto ko. Kung walang magbibigay sakin, may taong gagawa para makuha ko iyon. Kaya madali akong magsawa; sa materyal na bagay man o sa mga kaibigan. Nawawalan ako ng rason para makipagusap sa kahit na sino. Walo, siyam, lagpas sampung beses nang nangyayari sa akin iyan. At dahil nagpapakain ako sa pride, hangga’t hindi mo ako kinakausap, hindi din kita kakausapin. O kung kakausapin man kita, naghagilap muna ako ng lakas ng loob para magawa yun.

Abusado ako. Gagawin ko yung mga bagay na gusto ko, tama man o mali, hangga’t walang pumipigil sa akin. Sige lang ako nang sige hanggang sa walang diktador na eepal sa mundo ko. Magpapaksasa ako sa pagpapasaway hangga’t walang magsasampal sakin ng salitang “bawal”.

Malaki din ang inis ko sa mga malalandi o mahaharot o kung ano pa man ang gusto ninyong itawag sa kanila. O baka umasa lang ako at sa galing ng utak kong maginterpret ng mga bagay ay nabigyan ko ng malalim na pakahulugan ang lahat? Ewan ba. Wala na akong pakialam. Malaki ang inis ko sa mga taong malalandi at dahil impokrita ako minsan, hindi ako aamin na inis ako sa sarili ko.

Kung hindi ako ang masasaktan, ako ang mananakit. Bulok na bulok na ang ugali ko. Puking ina.

Okay lang talaga na iwan niyo kong lahat. Maganda naman ako, e. I can manage.

Back to top