1 AM, ika-dalawampu’t isa ng Pebrero taong dalawang libo sfjfjgskakaka

Bbq,

Ganitong oras ko gustong gising sa kadahilanang walang tao ang makakapangbwisit sa akin. Walang mangaapak ng sapatos ko. Walang taong tamad sa paligid ko. Walang kamote. Ako lang. Kaya’t kung may kaiinisan man ako ay sarili ko lang. Isang bagay lang ang consistent sa lahat. 24/7 akong lito sa nang at ng. Ipagpatawad mo na, irog. Ito ay medyo may kahabaan sa kadahilanang lumipas ang pasko, bagong taon, at balentayms na hindi kita nasusulatan. Kung tinatamad kang magbasa ay wala akong pakialam. Hahaha. 

Lumilindol daw sa buong maynila tuwing ika-labingapat ng pebrero sa dami ng nagkalat na motel na pinagpaparausan ng mga mahina sa tawag ng laman. Seryosong nasisiraan ng ulo ang mga tao tuwing araw ng mga puso sa hindi malamang kadahilanan.

Sa pagkakatanda ko’y hindi kita binati noong araw na yaon at sana’y hindi ako nagkakamali. Hindi naman doon nasusukat ang nararamdaman kong naguumapaw— na siyang ikinababaliw ko na. Bakit? Simple lang. Ang mga araw ko’y magpapatuloy na ordinaryo hangga’t wala ka sa tabi ko.

Tigilan na natin ang mabubulaklak na salita like I’ll bring you the moon because it resembles your face. Hindi na tayo tinedyer. 22 na ako’t ika’y may edad na. 36? Ahh. Medyo matagal na ring tayo ngunit patuloy pa rin akong nahuhulog sa iyo at wala akong ideya kung gaano pa kalalim. Kumbaga sa sex, narating mo na ang g-spot pero hindi ka pa rin tumitigil sa pagindayog lintik ka. Sarap! Hahaha.

Minsan sa isang taon lang ako kung may magustuhan bilang kaibigan. Madalas naman sa isang araw kung mainis, mairita at mag-init ang ulo ko sa mga nakapaligid sa akin. Kaya bilang sa mga daliri ko ang mga nakakagaanan ko ng loob. Maswerte kang nilalang at ikaw ang pinaglaanan ko ng pagmamahal, pawis, pagod, puyat at katawan. Hahaha. Hindi ko alam kung gaano kalalim o kababaw ang depinisyon ng iba ng pagmamahal pero para sa akin, hindi ito nasusukat sa simpleng harutan at lambingan. Hindi sa mga araw na magkasama’t masaya. Hindi sa oras ng bolahan sapagkat hindi naman tayo naglalaro ng Bingo. Hindi ako marunong. Hindi sa mga gabing pagpaplano ng mga bagay upang umayon ang kwento sa happy ending na inaasam. 

Nasusukat ito sa bilang ng sikreto na alam ng isa’t isa. Nasa dami ito ng beses na sinubukan mong tumakbo papalayo at dahil hindi ka naman athlete ay pinilit mong bumalik. Nasa bilang ito ng mga liham na sinubukan kong ibulong sa iyo ngunit nauwi lamang sa tatlong salita. Nasa bilang ng mga oras ng pagkapikon at hindi pagkakaintindihan at hindi pag-uusap.

Sabi nila, hindi mo kailangan ng mga taong nagiging dahilan ng lungkot mo. Paano naman sa pagkakataong ganito na nalulungkot ako kapag malungkot ka pero walang langit ang makakapantay sa saya ko dahil akin ka? Subukan mong sagutan sa loob ng dalawang pangungusap at may dalawang salita bawat isa. Ganyan kahirap kapag wala ka puking ina.

Ang relasyong ganito ay taliwas sa mga eksenang napapanood ko sa telebisyon at pelikula pero ano bang malay ko na baka isang araw mula ngayon ay magising na lang akong hubad at ikaw ang katabi ko?

Ay fuck. Heaven. 

Hinuhubaran kang unti unti, 
Danica

I love you enough to tolerate the hell of waking up every morning.
A
3
2
4

Mas malutong pa sa chicharon ang murang gusto kong ipakain sa mga taong kung makapagmalinis ay dinaig ang tatlong taong nagsisinungaling; sa mga taong mangaapak ng tao makaangat lang sa buhay; at sa mga taong walang palya kung mangmata. Huwag ka sanang magkakamaling sabihin sa akin na huwag silang pansinin dahil mabubura ka talaga sa mundong ibabaw. :)

De biro lang. Huwag mo sanang ipilit na kumikitid na naman ang pananaw ko sa mga bagay bagay dahil hindi mo alam ang pakiramdam ng taong naapakan, minamaliit at hindi alam kung saan makakapulot ng tiwala sa sarili. Hindi mo alam ang pakiramdam na sa bawat pagkakataong may kakausapin ka ay walang mabuting bagay ang lalabas sa bunganga ng kausap mo na kasing baho ng kanal. Nakakasulasok. At sa bawat minuto, oras at araw pakiramdam mo’y wala kang fucking kwenta.

Kung ang sarili ko nga hirap na hirap akong tanggapin, iyon pa kayang mga taong mas masahol pa ang pag-uugali kaysa akin? Hindi ko talaga mapigilang hindi magmura kaya putang ina, kung nauubos lang ang dila ko sa bawat murang lalabas sa bibig ko’y baka pati baba ko ay natabas na rin. Lol.

Kaya mahirap paniwalaan ang taong nagsasabing kawalan ka kung sa umpisa pa lang ay hindi ka na binigyang importansya. Bullshit.

Kapag talaga inumpisahan kang kantutin ng kamalasan, hindi ka niya tatantanan hangga’t hindi ka nahihirapan at gumagapang nang nakatuwad. Ikaw na ang bahala mag-isip kung paano okay.

Dalawang minuto lang ang kailangan ko para dumaldal. Dalawang minuto na ako lang ang magsasalita at kapag kumalma na ako, pwede mo na akong huwag pakinggan ulit. Pwede ka nang bumalik sa mundo mo at dito naman ako sa akin. Kaya sa dalawang minutong ito, utang na loob, bubusalan kita sa bibig kapag pinakialaman mo ako.

Hindi ko alam kung kailan ako naging nakakapagod at nakakasawa para sa lahat. Pinakamakabasag puso ang pakiramdam na madali akong maibabasura ng mga taong kulang na lang ay ilatag ko ang buong mundo sa kanila para lang manatili. Mas hinihigpitan ko ang kapit mas gusto nilang kumawala. Mga hayop. Mas masakit ang magpigil ng luha kaysa magpigil ng orgasm (huh?) kaya pagkatapos ng gabing ito, hinding hindi ko na kayo iiyakan.

Sabihin na nating basura ako para sa iba. Sabihin na nating sa ganda kong ito (yes) ay may mga taong pipiliin at pipiliin pa rin talagang lumayo miski na bigyan ko sila ng house and lot, Volvo at five million dollars. Cash! Iilan lang naman pero dahil nga iilan lang ang mga taong nakakagaanan ko ng loob ay, well, nagdadamdam ako. Ang sarap sabihin na hoy pakyu bakit hindi na tayo nag-uusap pero mabuti na lang at naalala kong hindi nga pala ako importante para sa lahat.

Kasing dali ng paglubog ng sarili kaysa magbuhat ng sariling bangko ang pananahimik kaysa pagdaldal kung bakit ka nalulungkot. Ikaw ba kaya mong ipaliwanag kung bakit ka malungkot sa loob lang ng dalawang minuto? Aba’y diyos ka! Dahil ako hindi ko iyon kaya. Gusto ko detalyado. Para akong gumagawa ng book review na may characters, settings at plot pa! Gusto ko ganoon, friends. Gusto ko ganoon. Hindi iyong ganito na uy nalulungkot ako kausapin mo ako tito boy.

9
3
There are simply those times that I get lonely whenever I start to remember everything that has happened in the past. Every little fragments of memories are like shards of glass cutting my skin, millions of needles piercing my heart. But the moment I think about you, all the agony and pain that has been there for like hundreds of years starts fading away. Maybe you’re the cure to this most unpleasant feeling. Maybe you’re everything that I needed in the first place. And maybe you’re every little thing of how I imagined my forever in this planet could be.
Alexander na malandi kasing kati ng higad sdajhsadsdahsda
Back to top